” Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba’y tulad ng isang bata. Oo, Ama, Sapagkat gayon ang ikinalulugod mo… ” – LUCAS 10:21

" Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa sapagkat inilihim mo sa marurunong at pantas ang mga bagay na ito at inihayag mo sa mga taong ang kalooba'y tulad ng isang bata. Oo, Ama, Sapagkat gayon ang ikinalulugod mo... " - LUCAS 10:21

ANG PANANAMPALATAYA

ANG TUNAY NA

PANANAMPALATAYA

1. NABABATAY SA

KAPANGYARIHAN

NG DIYOS

“Mga kapatid, ako ay dumating sa inyo na naghahayag ng patotoo patungkol sa Diyos, hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o karunungan. Ito ay sapagkat pinagpasiyahan kong walang malamang anuman sa inyo maliban kay Jesucristo na ipinako sa krus. Nakasama ninyo ako sa kahinaan, sa pagkatakot at lubhang panginginig. Ang aking pananalita at pangangaral ay hindi sa mapanghikayat na pananalita ng karunungan ng tao. Sa halip, ito ay sa pagpapatunay ng Espiritu at ng kapangyarihan. 5Ito ay upang ang inyong pananampalataya ay hindi ayon sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.” – 1 CORINTO 2:1-5

a. Dapat mag-ingat ang mga kristiyano sa mga magdarayang aral na hindi nasasalig kay Cristo (Colosas 2:8), mga taong walang matuwid na patakaran (2 Pedro 3:17-18), ibang mabuting balita (Galacia 1:6-8) hindi paniniwala sa mabuting balita (Hebreo 4:1-2) upang makatiyak na ang pananampalataya ay tunay na nakabatay sa at sa kapangyarihan ng Diyos o kay Cristo. b. Dapat na alam ng mga kristiyano ang sinasampalatayanan upang matiyak ang kaligtasan

“Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo ang ebanghelyo na ipinangaral ko sa inyo na inyo ring tinanggap at inyong pinaninindigan. Sa pamamagitan din nito kayo ay ligtas, kapag nanghahawakan kayong matatag sa salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na lamang kung sumampalataya kayo nang walang kabuluhan.” – 1 Corinto 15:1-2

c. Dapat na nalalaman ng bawat kristiyano na tayo ay wala na sa ilalim ng Una o Lumang Tipan kundi sa tipan na ni Cristo – kaya tayo’y tinatawag na “mga Kristiyano” – tayo’y mga lingkod ng Bagong Tipan. (2 Corinto 3) Ito ang lalong mabuting tipan na ang taga-pamagitan ay si Cristo (Hebreo 7:22, 9:15). Lalong mabuting tipan sapagkat may kakulangan ang Unang Tipan kaya ito ay pinawalang-bisa. (Hebreo 8:7-13) Hindi nakamtan ng mga lingkod ng Unang Tipan ang pangako ng Diyos sa kanilang kapanahunan. (Hebreo 11:13) Ngunit kapag tinupad na ng Diyos ang kanyang pangako, tayong mga kristiyano ay makakasama nila (Hebreo 11:39-40) doon sa buhay na walang – hanggan. (Pahayag 21:1-4)

2. NANANATILI SA ARAL

NI CRISTO

Sa sinumang sumasalangsang at hindi nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo, ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya.“

– 2 JUAN 1:9

“Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”

– JUAN 8:31-32

ANG BUOD NG MGA ARAL NI CRISTO

a. PANANAMPALATAYA

( Roma 1:17, 3:28, 14:23, 1 Cor 2:5, Gal 2:16, 3:11, Efeso 2:8, 4:13, Fil 1:27, Colosas 1:23, 1 Tes 5:8, 1 Tim 1:19, 3:9, Heb 10:38-39, 11, 12:2, Santiago 2, 1 Ped 1:7,9, 21, 1 Juan 5:4, Pahayag 14:12)

Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman. ”

1 JUAN 6:35

b. PAG-IBIG

(1 Juan 4:7-9, 16-18, 20-21, 1 Pedro 1:22-25, Juan 15:10-12, Roma 13:10, 1 Cor 13:13, Gal. 5:6, 13, Efeso 3:17, 4:15-16, 5:2, 1 Tim 1:5, 2 Juan 1:6)

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo:

Mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo,

mag-iibigan, makikilala ng lahat ng tao na kayo’y

mga alagad ko. ”

JUAN 13:34-35

c. PAG-ASA

( 2 Corinto 4:8, Colosas 1:5, 1:23, Efeso 3:12, 1 Tes. 1:3, 5:8, 1 Tim. 1:1, 4:10, San. 1:18 , Efeso 4:4, Hebreo 3:6 )

At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka’t ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.”

ROMA 5:5

3. NAGTITIIS

” Ang pagtitiis sa hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos, sapagkat ng si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan nya kayo ng halimbawang dapat tularan. ”

– 1 PEDRO 2:21

“Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod sa akin.

– MATEO 16:24

“Sapagkat ipinagkaloob sa inyo alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang sumampalataya sa kaniya kundi ang magbata rin naman ng hirap alang-alang sa kaniya.”

– FILIPOS 1:29

MGA PAGTITIIS KRISTIYANO

a. Pagtitiis ng Pag-uusig

GAWA 20:22-24

” Alalahanin ninyo ang mga sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa panginoon, kung ako’y inusig nila, uusigin din nila kayo. ”

Juan 15:20

b. Pagtitiis sa Pagsunod sa Kalooban ng Diyos

HEB. 10: 35-36, 1 PEDRO 4:12-19

Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos kaysa magdusa kayo sa paggawa masama. ”

– 1 Pedro 3:17

c. Pagtitiis sa Pagtalikod sa Kasalanan

1 JUAN 3:9, HEBREO 12:3-4

” Yamang si Cristo’y nagbata ng hirap sa buhay na ito. Kayo man ay dapat maging handa sa pagtitiis. Sapagkat ang nagtiiis ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa pagkakasala. ”

– 1 Pedro 4:1

d. Pagtitiis sa Kahirapan

” Tingnan ninyo, mga kapatid kong minamahal! Hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanlibutan upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya. ”

Santiago 2:5

· Mapalad ang mga dukhang ang pag-asa ay nasa Diyos. (Mateo 5:3)

Mahirap magpasakop sa paghahari ng Diyos ang mga mayayaman ngunit ang hindi magagawa ng tao ay magagawa ng Diyos .(Lucas 8:18-27)

Maaaring itaas ng Diyos ang isang mahirap at ibaba naman ang isang mayaman. (Santiago 1:9-11)

· Ang kahirapang nararanasan natin ay nagtuturo sa atin na:

1. Umasa at Mabuhay sa Pananalig sa Diyos – Lucas 12:22-31, 1 Timoteo 6:17-19

“Kaya’t ang paningin namin ay nakapako sa mga bagay na di nakikita, hindi sa nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di nakikita. ”

2 Corinto 4:18

2. Maging Kuntento Upang Hindi Malayo sa Pananampalataya

” Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan at wala rin tayong madadala pag-alis dito. 8Kung tayo ay may pagkain at pananamit, masiyahan na tayo sa mga ito Ang mga nagnanasang yumaman sa anumang paraan ay mahuhulog sa tukso at sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kapahamakan. Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay siyang ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na magkamal ng salapi, may mga nalayo sa pananampalataya at nasadlak sa paghihirap ng kalooban.

Timoteo 6:17-10

4. NAGBUBUNGA

NG

MABUTING GAWA

( Tito 2:14, Efeso 2:10 )

Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa

paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira,

ay ang buhay na walang hanggan:

– ROMA 2:7

“Ang paggawa ng mabuti at pakikibahagi sa paglilingkod ay huwag ninyo itong kaliligtaan sapagkat kalugud-lugod sa Diyos ang mga handog na tulad nito.”
-HEBREO 13:16

” Gayon din naman, mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan nang kayo’y maging bahagi ng katawan ni Cristo, upang maging kabiyak ni Cristo na muling binuhay, at magbunga ng mabubuting gawa ukol sa Diyos. ”

– ROMA 7:4

DALAWANG URI NG GAWA NA NASUSULAT SA BIBLIYA

1. Mga Gawa Ayon sa Kautusan

GALACIA 3:3-5, ROMA 3:28

” Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman. ”

Efeso 2:9

Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan.

Roma 3:20

Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan. Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat. Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay. Ngunit ang Kautusan ay hindi nasasalalay sa pananalig sa Diyos, sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”

– GALACIA 3:10-12

2. Mga Gawa Ayon sa Pananalig

– SANTIAGO2:14-17

Diya’y makikita mong magkalakip ang mga gawa at ang kanyang pananampalataya, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. Natupad ang sinasabi ng Kasulatan,” Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya’y ibinilang na matuwid.” Ang tawag sa kanya ng Diyos ay” Ang kaibigan kong si Abraham.” Diyan ninyo makikita na ibinibilang na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya lamang.

-SANTIAGO 2:22-24

· Maliwanag kung gayon na na ang tinutukoy na gawa sa Roma 3:20 ay mga gawa ayon sa Kautusan. Sinasabi ng bibliya na ang bawat tumanggap kay Cristo ay kailangang gumawa ng mga mabubuting bagay na naayon sa mga aral ni Cristo upang maging ganap ang kanyang pananampalataya.

Ayon sa Roma 1:16-17 :

Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat nananampalataya — una’y sa mga Judio at gayon din sa mga Griego. Inihahayag nito na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ayon sa nasusulat,

Ang pinawalang-sala sa

pamamagitan ng pananampalataya ay

mabubuhay.”

Ito’y hindi tulad ng panununtunan ibinigay ng Diyos sa mga Israelita tulad nang nasusulat:

Sa gayo’y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon.

– EZEKIEL 20:10-11

Ang buhay na tinutukoy ng Ebanghelyo ay

makakamtan sa pamamagitan ng katuwirang hiwalay

sa Kautusan- ito ang katuwirang nagmumula sa

pananampalataya kay Hesu-Cristo.

At ako’y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang aking sarili, sa MAKATUWID BAGA’Y SA KAUTUSAN, kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:

-FILIPOS 3:9

Kayat ang bawat nakikinig at nagsasagawa ng mga salita kong ito ay matutulad sa isang taong matalino na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato. Umulan nang malakas, bumaha, at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon, ngunit hindi nagiba sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato.”

– Mateo 7:25

Ang salitang tinutukoy ni Jesus ay ang EBANGHELYO O MABUTING BALITA na siyang mamamalagi magpakailanman at hindi ang Kautusan na tinatawag ding Kautusan ni Moises na siyang titik ng Lumang Tipan.

Ngunit ang salita ng Panginoon

ay mamamalagi kailanman.

At ito ang Mabuting Balitang

ipinangaral sa inyo.

– PEDRO 1:25

Ayon sa Roma 10:8-11:

” Ngunit ito ang sinasabi niya,” Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong mga labi at nasa iyong puso,” (ibig sabihi’y ang salitang ipinangangaral namin tungkol sa pananampalataya). Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka.”

·

” ipahahayag ng iyong mga labi ” – pagpapahayag ng Ebanghelyo o Mabuting Balita

“mananalig ka nang buong puso” – pagsunod sa Mabuting Balita o pagsasagawa ng mga aral at utos na nasusulat sa Bagong Tipan.

” maliligtas ka ” – dahil ang taong tunay na nananalig ay sumusunod sa aral ni Cristo. Napapatunayan ang kanyang pananampalataya ng kanyang mga gawa dahil patay ang pananampalatayang di pinatutunayan sa gawa. (Santiago :14-17)

5.NANANATILING TAPAT

HANGGANG WAKAS

” Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Cristo, kung mananatili tayong matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya. ”

– HEBREO 3:14

Sapagkat,” Kaunting panahon na lamang,hindi na magluluwat, At ang paririto ay darating.Ang tapat kong lingkod ay nabubuhaysa pananalig sa akin,Ngunit kung siya’y tumalikod, hindi ko kalulugdan.”” Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak, kundi sa mga nananalig sa Diyos at sa gayo’y naliligtas. ”

– HEBREO 10:39



Ngunit siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas.”
– MATEO 24:13

ANG MABUTING BALITA

ANG MABUTING BALITA

” At ngayon ay ipinaaalala ko sa inyo mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral sa inyo. Iyan ang Ebanghelyo na tinanggap at nagiging saligan ng inyong pananampalataya. Sa pamamagitan nito’y naliligtas kayo, kung matatag kayong nananangan sa salitang ipinangaral ko sa inyo maliban na nga lamang kung kayo’y sumampalataya na di iniisip ang inyong sinasampalatayanan.”
– 1 CORINTO 15:1 – 2
“ Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman.”
At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral sa inyo.”
– PEDRO 1:25

“ Mawawala ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula. “ – MATEO 24:25


“ANG SALITA NG KATOTOHANAN NA NAGDUDULOT NG KALIGTASAN”

“ Kayo ma’y naging bayan ng Diyos nang kayo’y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan
ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya’t ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. “ – EFESO 1:13


“ANG IPINANGARAL NI CRISTO AT MGA APOSTOL NA NAGING SALIGAN
NG PANANAMPALATAYA NG MGA KRISTIYANO”
( ROMA 10: 13-18 )

“ Nang mga sandaling yaon ay maraming pinagaling si Jesus: mga pinahihirapan ng karamdaman, at mga inaalihan ng masasamang espiritu. Ipinagkaloob niyang makakita ang mga bulag. Sinabi niya sa kanila pagkatapos,” Bumalik kayo kay Juan at sabihin ang inyong nakita at narinig: nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. “ –LUCAS 7:21-22


“ At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. ” –1 CORINTO 15:1

“ Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo, sapagkat ito ang— kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat nananampalataya una’y sa mga Judio at gayon din sa mga Griego. Inihahayag nito na ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ayon sa nasusulat,” Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.”
– ROMA 1:16-17

“NAGSISIMULA SA PANANAMPALATAYA” – ROMA 10:9-10

· Pagsisisi sa mga Kasalanan

“ Sumagot si Pedro,” Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. “ – GAWA 2:38
· Pananalig kay Cristo at Pagtanggap sa Mabuting Balita tungkol kay Cristo – 2 PEDRO 1:3

“ At ngayo’y ipinaaalaala ko sa inyo, mga kapatid, ang Mabuting Balita na ipinangaral ko sa inyo. Iyan ang ebanghelyo na inyong tinanggap at naging saligan ng inyong pananampalataya. “ – 1 CORINTO 15:1-2

· Pagpapabautismo

“ Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo… “ – 1 PEDRO 3:21


“PAMUMUHAY SA PANANAMPALATAYA” – HEBREO 10:35-39

· Pagsunod sa mga Aral ni Cristo

“ Sinabi naman ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya,” Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” – JUAN 8:31-32


· Pamumuhay nang Naaayon sa Mabuting Balita

“ Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita tungkol kay Cristo. Sa gayon, makabalik man ako sa inyong piling o hindi, makatitiyak akong kayo’y nananatili sa iisang layunin at sama-samang ipinagtatanggol ang Mabuting Balita. “ – FILIPOS 1:27

· Paggawa ng Mabuti

“ Gayon din naman, mga kapatid, namatay na kayo sa Kautusan nang kayo’y maging bahagi ng katawan ni Cristo, upang maging kabiyak ni Cristo na muling binuhay, at magbunga ng mabubuting gawa
ukol sa Diyos. ” – ROMA 7:4


“NAGIGING GANAP SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALAYA” – MATEO 24:13

“Sapagkat tayo ay naging mga kabahagi ni Cristo kung ang pagtitiwalang natamo natin sa pasimula pa ay pananatilihin nating matatag hanggang sa katapusan.” – HEBREO 3:14

·Hindi pare-pareho ang haba ng takbuhin ng bawat kristiyano kaya sinabi ni Hesus na may mga nauuna na mahuhuli at mga nahuhuli na mauuna. ( MATEO 20:1-16 )
·Kailangang manatiling tapat sa pananampalataya ang bawat Kristiyano upang maligtas. ( HEBREO 10:37-39 )
·Kailangang lakipan ng gawa ang pananampalataya upang ito’y maging ganap ( SANTIAGO 2:22-24 ) sapagkat patay ang pananampalatayang hindi pinatutunayan sa gawa.
( SANTIAGO 2:17 )

ANG MABUTING BALITA AY:
1. Saligan ng pananampalataya ng mga Kristiyano.
2. Ang tinatanggap ng taong sumasampalataya kay Jesu-Cristo.
3. Ang naghahayag na ang pagpapawalang-sala ng Diyos ay nagsisimula sa pananampalataya at nagiging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
4. Ang naglalaman ng buhay at mga aral o turo ni Cristo.
5. Ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawat mananampalataya. ( 1 Corinto 1:21 )
6. Ang ginagamit ng Diyos upang tawagin ang tao sa kaluwalhatian ni Cristo. ( 2 Tesalonica 2:14 )7. Ang nagdadala ng pagpapala sa bawat mananampalataya. ( Colosas 1:3 – 6 )

ANG MGA PAGPAPALA NG EBANGHELYO

1. Pagpapawalang – Sala – ROMA 3:22
Bagama’t kami’y ipinanganak na Judio at hindi makasalanang Hentil, alam naming na ang tao ay pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nananalig din kami kay Jesu-Cristo upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao ay hindi mapapawalang – sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan.” – GALACIA 2:15 – 16
· Maging ang mga Judio ay dapat sumampalataya upang mapawalang-sala – bagamat sa kanila ibinigay ang Kautusan dahil hindi nila nagawang matupad lahat ng mga utos sa Kautusan tulad ng sinasabi sa Roma 3:22-23 na lahat ay nagkasala at walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos, Judio man o Hentil.

2. Pagkakaloob ng Espiritu Santo

“Ngunit nahayag ang kabutihan ng Diyos, na ating Tagapagligtas at ang kaniyang pag-ibig sa mga tao. 5Nang mahayag ito, iniligtas niya tayo, hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng katuwiran na ating ginawa, kundi ayon sa kaniyang kahabagan. Ito ay sa pamamagitan ng muling kapanganakang naghuhugas sa atin at sa pamamagitan ng Banal na Espiritung bumabago sa atin. 6Masagana niyang ibinuhos ang Banal na Espiritu sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas.” – TITO 3:4-6

“Hindi tayo pinapahiya ng pag-asa sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa atin.” – ROMA 5:5

3. Pagpapagiging – Matuwid

“Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran. “ – GALACIA 3:6

“9Sa ganoon, ako ay masumpungan sa kaniya, hindi sa pamamagitan ng sarili kong katuwiran na ayon sa Kautusan kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at ang katuwiran na mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya.

– FILIPOS 3:9


· Ang tao ay hindi napagiging matuwid ng Kautusan dahil ayon sa tuntunin nito, dapat lahat ng nasusulat na utos doon ay nasusunod at ang paglabag sa isang utos ay katumbas ng paglabag sa lahat ng utos. Kaya naman hindi nagiging matuwid ang mga Judio na saklaw ng Kautusan dahil bilang tao, sila ay likas na mahina at di kayang sumunod sa buong Kautusan kaya naman sila ay napailalim sa sumpa ng Kautusan. ( Galacia 3:10-14 )
·
Subalit sa pamamagitan ng pananampalataya, ang tao ay napagiging –matuwid- Judio man o Hentil dahil sa Espiritu Santo na ipinagkakaloob ng Diyos na siyang tumutulong sa tao upang magawa ang kalooban at utos ng Diyos, at kung magkasala man, sa pamamagitan ng taos-pusong paghingi ng tawad ay pinatatawad at nililinis upang maging tunay na matuwid.
( 1 Juan 1:9 )


ANG KATUWIRANG BUKOD SA KAUTUSAN SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA KAY CRISTO

“Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa’t bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:

Sapagka’t sa pamamagitan ng mga GAWA NG

KAUTUSAN

ay WALANG LAMAN NA AARIING-GANAP

sa paningin niya;

sapagka’t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. Datapuwa’t ngayon

BUKOD sa kautusan ay ipinahahayag ang ISANG

KATUWIRAN ng Dios,

na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta; Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito’y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng

KAUTUSAN NG PANANAMPALATAYA.

Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay

INAARING-GANAP SA PANANAMPALATAYA

NA HIWALAY

sa mga GAWA NG KAUTUSAN.

– ROMA 3:19-28

4. Pagpagiging – Anak ng Diyos at Taga-pagmana ng Pangako ng Diyos

“Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos. Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo. 28Walang pagkakaiba sa Judio at sa Griyego. Walang alipin o malaya man. Walang lalaki o babae sapagkat iisa kayong lahat kay Cristo Jesus. 29Yamang kayo ay kay Cristo, binhi kayo ni Abraham at mga tagapagmana ayon sa pangako.” GALACIA 3:26-29

“Ito ay sapagkat sila na inaakay ng Espiritu ng Diyos, sila ang mga anak ng Diyos.” – Roma 8:14

“Kaya nga, ikaw ay hindi na isang alipin, subalit isa nang anak. At kung ikaw ay isang anak, ikaw rin naman ay tagapagmana ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.” – Galacia 4:7

5. Pagpapalaya sa Ilalim ng Kautusan

“Ito ay sapagkat ang Kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan.” – ROMA 8:3

“Kayo, na mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at sa hindi pagiging nasa pagkatuli ng inyong laman, ay binuhay na kasama niya. Kayo ay pinatawad na sa lahat ng mga pagsalangsang. 14Binura na niya ang nasulat na mga batas na laban sa atin. Inalis niya ito sa kalagitnaan natin at ipinako ito sa krus.” – COLOSAS 2:13 –14

“Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ang batas ng Kautusan na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan. 16At upang kaniyang pagkasunduin ang dalawa sa iisang katawan sa Diyos sa pamamagitan ng krus, na dito ang pag-aalitan ay pinatay niya.” – EFESO 2:15 – 16

” Ngunit ngayo’y patay na tayo sa kasalanang umalipin sa atin, wala na tayo sa ilalim ng Kautusan. Kaya’t tayo’y naglilingkod sa Diyos, hindi dahil sa lumang tuntuning nasusulat kundi sa bagong buhay ayon sa Espiritu. ” – ROMA 7:6

” Ngunit nang

dumating ang takdang

panahon, sinugo ng

Diyos ang kanyang

Anak. Isinilang siya ng

isang babae at

namuhay sa ilalim ng

Kautusan upang

palayain ang mga

nasa ilalim ng

Kautusan. Sa gayon,

tayo’y mabibilang na

mga anak ng Diyos.”

–GALACIA 4:4 – 5

  • Ang Judio at mga Hentil ay dalawang bayan na magkaaway at pinaghihiwalay ng Kautusan, dahil ayon sa Kautusan, hindi maaaring makipag-isa ang mga Judio sa mga Hentil. Ngunit nakita ng Diyos na lahat ay alipin ng kasalanan, Judio man o Hentil at ito ang dahilan ng pagsugo nya sa kanyang bugtong na anak na si Hesus – upang tubusin ang lahat sa pamamagitan ng kanyang dugo dahil ang Kautusan na nasa ilalim ng Unang Tipan ay hindi mapapawalang bisa kung walang pagbububo ng dugo dahil ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng dugo- ng dugo ng hayop. Ngunit higit na mabisa ang dugo ni Cristo na siyang nagpatibay sa Bagong Tipan na kung saan, ang sinumang sasampalataya sa mga aral nito at papasok sa tipan sa pamamagitan ng bautismo ay lilinisin at patatawarin sa kanilang mga kasalanan, pagkakalooban ng Espiritu Santo upang magkaroon ng kakayahang makalakad sa kalooban at katuwiran ng Diyos nang sa gayon ay maiharap ni Cristo sa Ama na sakdal at banal upang magmamit ng walang-hanggang buhay.


· Dahil sa pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan ay sinugo Niya ang kanyang Bugtong na Anak na si Jesu-Cristo.( Juan 3:16) Naparito sya sa lupa sa takdang panahon hindi upang sirain ang Kautusan kundi upang ganapin iyon( Mateo 7:38-39 ) nang sa gayon ay mapalaya ang mga nasa ilalim nito. ( Galacia 4:4 )Sa panahong si Jesus ay nabubuhay at nangangaral ng Mabuting Balita, umiiral pa noon ang Kautusan o Unang Tipan. ( Mateo 23:23 ) Hindi parin naipagkakaloob ang Espiritu Santo dahil hindi pa sya naluluwalhati.
( Juan 7:38-39 ) Nang maganap ang pagbububo ng kanyang dugo sa krus ng kalbaryo – ang kanyang kamatayan, ( Juan 19:30 ) Tuluyang nawalan na ng bisa ang Unang Tipan at napagtibay naman ang Bagong Tipan.
( Hebreo 9:16-17, 1 Corinto 11:25 )

Kaya’t si Cristo ang hangganan ng Kautusan ( Roma 10:4 )

tungo sa kaligtasan ng

sangkatauhan sa

pamamagitan ng

pananampalataya na

naihahayag sa

pamamagitan ng

Mabuting Balita,

(Roma 1:16-17 )

nang sa gayon ay makamtan ng bawat sumasampalataya ang buhay na walang hanggan na ipinangako ng Diyos.

ANG KALAYAANG NAGMUMULA KAY HESU-CRISTO

” ANG KALAYAANG

NAGMUMULA

KAY JESU-CRISTO “


Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isangsumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hinditumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.”  Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat “Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” Ngunit ang Kautusan ay hindi nasasalalay sa pananalig sa Diyos, sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan aymabubuhay sa pamamagitan nito.”

Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng

Kautusan nang siya’y magdusa na

parang isang sinumpa. Sapagkat

nasasaad sa Kasulatan,” Sinumpa

ang bawat ibinitin sa

punongkahoy.” Tinubos niya tayo

upang ang mga pagpapalang

ipinangako ng Diyos kay Abraham

ay kamtan ng mga Hentil sa

pamamagitan ni Cristo Jesus, at sa

pamamagitan ng pananalig sa

kanya ay sumaatin ang Espiritung

ipinangako ng Diyos. “

– GALACIA 3:10-14

KAUTUSAN – mga utos at tuntuning ibinigay ng Diyos nang siya’y makipagtipan sa mga Israelita na nasusulat sa mga tapyas na bato.

( Exodo 19-20-34, Deuteronomio 5-10-29 )

• May pagpapala na matatamo mula sa Kautusan kung ang mga utos at tuntuning nasasaad dito ay susunding lahat ngunit kaparusahan na kamatayan o sumpa naman sa bawat paglabag.

Kaya’t kayo’y magpakatapang na mabuti na ingatan at gawin ang lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan ni Moises na huwag kayong lumiko sa kanan o sa kaliwa;

-JOSUE 23:6

At pagkatapos ay kaniyang binasa ang lahat ng mga salita ng kautusan, ang pagpapala at ang sumpa, ayon sa lahat na nakasulat sa aklat ng kautusan.

– JOSUE 8:34

( Deuteronomio 27-28)

• Ngunit lahat ay nagkasala at walang sinumang naging marapat sa paningin ng Diyos ( Roma 3:23 ) sapagkat ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat ( Santiago 2:10 )

• Walang napaging-ganap ang Kautusan.

Sapagka’t napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan. Sapagka’t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal, at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios.

– HEBREO 7:18-19

Bagama’t naaalaman na ang tao

ay hindi inaaring-ganap sa mga

gawang ayon sa kautusan,

maliban na sa pamamagitan ng

pananampalataya kay

Jesucristo, tayo rin ay

nagsisampalataya kay Cristo

Jesus, upang tayo’y

ariing-ganap sa pamamagitan

ng pananampalataya kay Cristo,

at hindi dahil sa mga gawang

ayon sa kautusan: sapagka’t sa

mga gawang ayon sa kautusan

ay hindi aariing-ganap ang

sinomang laman.

– Galacia 2:16

sapagkat lahat ng tao ay alipin

ng kasalanan. (Roma 7:14-25 )

“Sa gayo’y pinalabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, at dinala ko sila sa ilang. At ibinigay ko sa kanila ang aking mga palatuntunan, at itinuro ko sa kanila ang aking mga kahatulan, na kung isagawa ng tao ay mabubuhay sa mga yaon. Bukod dito’y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath, upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. Nguni’t ang sangbahayan ni Israel ay nanghimagsik laban sa akin sa ilang: sila’y hindi nagsilakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at kanilang itinakuwil ang aking mga kahatulan, na kung gawin ng tao, ay mabubuhay sa mga yaon; at ang aking mga sabbath ay kanilang nilapastangang mainam. Nang magkagayo’y sinabi ko na aking ibubuhos ang aking kapusukan sa kanila sa ilang, upang lipulin sila.

– EZEKIEL 20:10-13

Kaya’t ang Kautusan na dapat na magdulot ng pagpapala ay nagdulot ng sumpa at kamatayan sa sangkatauhan.

At nang isang panahon ako’y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa’t nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako’y namatay; At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito’y sa ikamamatay; Sapagka’t ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.

– ROMA  7:9:11

( Galacia 3:10, 2 Corinto 3:6 )

“ GINAWA NG DIYOS ANG HINDI NAGAWA NG KAUTUSAN DAHIL SA LIKAS NA KAHINAAN NG TAO… “

“ Ngunit nang dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos. “

– GALACIA 4:4-5


1. Kalayaan sa Sumpa ng

Kautusan


Kung gayon, inalis ang unang tuntunin dahil sa ito’y mahina at walang bisa. Sapagkat walang napaging-ganap ang Kautusan; ngunit higit na mabuti ang bagong pag-asang tinanggap natin — sa pamamagitan nito’y nakalalapit na tayo sa Diyos.”
– HEBREO 7:18-19

• Pinawalang-bisa ni Cristo ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin ang mga Judio at mga Hentil.

Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay, Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan; At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya’y pinatay ang pagkakaalit.

– EFESO 2:14-16

• Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, ang bawat nakipag-isa sa kanya ay namatay na sa kasalanan at nalibing na kasama nya at sa gayon ay nakalalaya sa ilalim ng Kautusan.

Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo’y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo’y makisama sa iba, sa makatuwid baga’y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo’y magsipagbunga sa Dios. Sapagka’t nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa’t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.

– ROMA 7:4-6

( Roma 7:1-6, Galacia 2:19-20,

Galacia 3:12-13 )

2. Kalayaan sa Ilalim ng

Kapangyarihan ng

Kasalanan

Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Sinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang maging handog para sa kasalanan, at sa anyong iyo’y hinatulan niya ang kasalanan.”

– ROMA 8:3

At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

-GAWA 2:38

“ Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na

na bautismuhan kay Cristo Jesus

ay nabautismuhan sa kanyang

kamatayan? Samakatwid, tayo’y

namatay at nalibing na kasama

niya sa pamamagitan ng bautismo

upang kung paanong binuhay na

muli si Cristo sa pamamagitan ng

dakilang kapangyarihan ng Ama,

tayo nama’y mabuhay sa isang

bagong pamumuhay. Sapagkat kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. “

– ROMA 6:3-7

Ang BAUTISMO

1. Katunayan ng Pagsisi at Pagtalikod sa Kasalanan
Ang bautismo na ipinangaral at unang isinagawa ni Juan Bautista ay para sa pagsisisi ng kasalanan, bagama’t hindi pa ito nakapaghuhugas ng kasalanan sapagkat ng kapanahunang iyon ay hindi pa napagtitibay ang Bagong Tipan dahil hindi pa nagaganap ang pagbububo ng dugo ni Cristo o kanyang kamatayan. Gayundin naman, ang bawat sumasampalataya kay Cristo ay nagpapa-bautismo bilang katunayan ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan.

Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus; Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating. At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa’t narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

– GAWA 13:23-25

2. Katunayan ng Pananampalataya sa Panginoong Hesu-Cristo

At sinabi niya, Kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, Sa bautismo ni Juan. At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila’y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga’y kay Jesus. At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.

– GAWA 19:3-5

At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako’y mabautismuhan? At sinabi ni Felipe:  Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios.  At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila’y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.

– GAWA 8:36-38

At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo. At nang siya’y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako’y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo’y magsitira doon. At kami’y pinilit niya.

– GAWA 16:14-15

At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.

– GAWA 18:8

3. Kapamaraanan ng Diyos Upang Mahugasan sa Kasalanan ang Sumasampalataya

At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.

-GAWA 22:16

At dahil dito’y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

– HEBREO 9:15

Kung ang pagtutuli sa laman noong panahon ng Lumang Tipan ay tanda ng pagkailalim ng mga Israelita sa Unang Tipan ng Diyos, ang pagpapabautismo naman ay ang paraan upang ang tao ay makapasok sa tipan ni Cristo o mapasailalim sa Bagong Tipan ng Diyos . Ang pagtutuli sa mga Judio ay sa laman o panlabas na paglilinis ngunit ang pagtutuli sa mga sumasampalataya ay sa Espiritu na nangangahulugang paglilinis ng puso.

Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay, sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo; Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama’y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay. At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan: Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus; . . .

– COLOSAS 2:11-14

Ang pagtutuli sa Bagong Tipan na siyang pagbabautismo ay nagbubunga ng pagbabago ng kalooban. Kaya sinasabi sa mga hindi sumasampalataya:

Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso’t mga tainga, kayo’y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.

-GAWA 7:51

Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

– GAWA 3:21

Sapagka’t siya’y hindi Judio kung sa labas lamang; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman; Datapuwa’t siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao, kundi sa Dios.

– ROMA 2:28-29

4.  Kapamaraanan ng Diyos Upang ang Sumasampalataya ay Kanyang Mapag-Harian

Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.

– JUAN 3:3

Ang tinutukoy na kapanganakang muli sa bibliya ay kapanganakan sa TUBIG at ESPIRITU.

Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

– JUAN 3:5-6

Kailangang mahugasan sa kasalanan ang sumasampalataya upang ang Espiritu na ipagkakaloob ng Diyos ay makapanahan sa kanya, kailangang malinis ang puso at mabago ang kalooban sapagkat doon mananahan ang Banal na Espiritu ng Diyos ng sa gayon ay makapag-hari sa buhay ng isang mananampalataya. Sapagkat hindi makakapanatili ang Espiritu sa maruming puso o sa taong namumuhay sa laman. Ang BAUTISMO SA TUBIG ang NAGHUHUGAS ng kasalanan at ang ESPIRITU naman ang nagbibigay- buhay, ito ang proseso ng kapanganakang muli. Kailangang manatili sa pananampalataya at patuloy na lumakad ayon sa nasa ng Espiritu upang hindi umalis ang banal na Espiritu at makapanatili sa paghahari ng Diyos.

Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya. At kung si Cristo ay nasa sa inyo, ang katawan ay patay dahil sa kasalanan; datapuwa’t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran. Nguni’t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo, ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo. Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo. Sapagka’t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.

– ROMA 8:914

Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman. Sapagka’t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka’t ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin. Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan. At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios. Datapuwa’t ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan. At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo’y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo’y nangagmumungkahian sa isa’t isa, nangagiinggitan sa isa’t isa.

– GALACIA 5:16-26

Ang Espiritu ay karaniwang ipinagkakaloob matapos ang bautismo ngunit may pangyayari na nasusulat sa bibliya na naunang ipinagkaloob ang Espiritu, ito ay naganap sa mga Hentil at pagkataps sila ay binautismuhan.

Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan: Na nang sila’y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo. Sapagka’t ito’y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila’y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Nang magkagayo’y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.

– GAWA 8:14-17

At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.

– GAWA 19:5-6

Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita. At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka’t ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo. Sapagka’t nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo’y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo’y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.

– GAWA 10:44-48

Ang bawat Cristiano ay hindi na

maaalipin pa ng kasalanan kung

mananatili siya sa

pananampalataya sapagkat:

1. May Banal na Espiritu na Siyang Pumapatnubay at Tumutulong

At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan: sapagka’t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat; nguni’t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita; At ang nakasisiyasat ng mga puso’y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka’t siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios.

– ROMA 8:26-27

2.  Ang Awa at Biyaya ng Diyos ay Maaasahan dahil kay Hesu-Cristo na Tumutulong at Nakauunawa sa Kahinaan ng Tao

Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan. Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo’y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

– HEBREO 4:15-16

Palibhasa’y nagbata siya sa pagkatukso, siya’y makasasaklolo sa mga tinutukso.

– HEBREO 2:18

3. Itinutuwid ng Diyos ang Kanyang mga Anak  sa Pagkakamali Upang Hindi Mahatulang Kasama ng Sanlibutan

3Dapat ninyo siyang isaalang-alang na mabuti upang huwag kayong manlupaypay at huwag manghina ang inyong kaluluwa, dahil siya ay nagtiis ng labis na pagsalungat mula sa mga taong makasalanang laban sa kaniya.

4Sa pakikibaka ninyo laban sa kasalanan ay hindi pa kayo humantong sa pagdanak ng inyong dugo. 5Nakalimutan na ba ninyo ang salitang nagpapalakas ng inyong loob na tumutukoy sa inyo bilang mga anak? Ang sinasabi:
Anak ko, kung itinutuwid ka ng Panginoon,
huwag mong ipagwalang bahala. At kung sina-saway
ka niya, huwag manghina ang iyong loob.
6Sapagkat itinutuwid ng Panginoon ang mga
iniibig niya, pinapalo ang bawat tina-tanggap
niya bilang anak.

7Kung nagbabata kayo ng pagtutuwid, ang Diyos ay siyang gumagawa sa inyo bilang mga anak. Sapagkat alin bang anak ang hindi itinutuwid ng kaniyang ama? 8Ang lahat ng anak ay dumaranas ng pagtutuwid. Ngunit kung hindi kayo itinutuwid, kayo ay mga anak sa labas at hindi kayo mga tunay na anak. 9Higit pa dito, lahat tayo ay may mga ama sa laman at itinutuwid nila tayo. At iginagalang natin sila. Hindi ba lalong nararapat na handa tayong magpasakop sa ating Ama ng espiritu upang tayo ay mabuhay? 10Sapagkat sila ay nagtutuwid sa atin, ayon sa ipinapalagay nilang mabuti, sa maikling panahon. Ngunit ang Diyos ay tumutuwid para sa ating kapakinabangan at upang tayo ay maging kabahagi ng kaniyang kabanalan. 11Ngunit walang pagtutuwid na parang kasiya-siya sa kasalukuyan. Ito ay masakit ngunit sa katagalan, ito ay nagdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran, sa mga nasasanay ng pagtutuwid.

– HEBREO 12:3-11

3. Kalayaang Gumawa ng Mabuti

Ang kasalanan ang pumipigil sa tao sa paggawa ng mabuti…

Sapagka’t nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka’t ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa’t ang paggawa ng mabuti ay wala.  Sapagka’t ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni’t ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. Datapuwa’t kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka’t ako’y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?

– ROMA 7: 18-24

Pinalaya tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan at sa pagka-alipin sa kasalanan kaya malayang-malaya na tayo sa paggawa ngmabuti.

Ngayon mga kapatid, tinawag kayo

ng Diyos upang kayo ay maging

malaya. Huwag lamang ninyong

gamitin ang inyong kalayaan na

maging pagkakataon para sa

makalamang pita. Sa halip, sa

pamamagitan ng pag-ibig ay

maglingkod kayo sa isa’t isa.

– GALACIA 5:13

MANATILING MALAYA!

“ Pinalaya tayo ni Cristo upang

manatiling malaya. Magpakatatag

nga kayo, at huwag nang paaalipin

uli! “

– GALACIA 5:1


• Upang hindi mapahiwalay kay Cristo at mawalan ng karapatan sa habag ng Diyos.


Kung kayo ay pinapaging-

matuwid ng kautusan, kayo ay

napahiwalay na kay Cristo.

Nahulog na kayo mula sa

biyaya.”

– GALACIA 5:4

• Upang masunod ang kalooban at kapamaraanan ng Diyos.

Pinatotohanan ko na sila ay may kasigasigan sa Diyos ngunit ang kasigasigan nila ay hindi ayon sa lubos na kaalaman. 3Hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos. At

sapagkat sinisikap nilang

maitatag ang kanilang

katuwiran, hindi sila

nagpapasakop sa

katuwiran ng Diyos.

Ito ay sapagkat si Cristo ang

hangganan ng Kautusan patungo

sa katuwiran ng lahat ng

sumasampalataya.”

– ROMA 10:2-4


• Upang makamtan ang pangako ng Diyos.


Pananampalataya o Pagsunod sa Kautusan

Mangmang na mga taga-Galacia, sino ang bumighani sa inyo upang huwag ninyong sundin ang katotohanan? Malinaw naming ipinaliwanag sa inyo ang patungkol kay Jesucristo na ang mga tao ang nagpako sa kaniya. 2Ito lamang ang ibig kong malaman mula sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya? 3Ganyan ba kayo kamangmang? Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao? 4Kayo ba ay naghirap sa maraming bagay para lang sa walang kabuluhan, kung ito nga ay walang kabuluhan? 5Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng mga himala sa inyong kalagitnaan. Kaya nga, ginawa ba niya ito sa pamamagitan ng mga gawa ng Kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya?

6Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran.

7Kaya nga, alamin ninyo na ang mga anak ni Abraham ay mga sumasampalataya.8Nakita na nang una pa sa kasulatan na pinapaging-matuwid ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Noon pa ay ipinahayag na ng kasulatan ang ebanghelyo kay Abraham:
Pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa sa
pamamagitan mo.

9Ito ay upang ang may pananampalataya ay pinagpapalang kasama ni Abraham na sumampalataya.

– GALACIA 3:1-9


… makikilala ninyo

ang katotohanan,

at ang katotohanan

ang magpapalaya

sa inyo.”

–Juan 8:32

ANG KAHULUGAN NG SALITANG “CRISTIANO”

ANG KAHULUGAN NG SALITANG “CRISTIANO”

Ang salitang “Cristiano” ay nangangahulugang ALAGAD ni Cristo. Sa madaling salita ay taga-sunod ni Cristo:

At nang siya ay matagpuan niya, dinala niya siya sa Antioquia. Nangyari na sa buong isang taon, sila ay nakipag-tipon sa buong iglesiya. Sila ay nagturo sa maraming tao. Ang mga alagad ay unang tinawag na mga Kristiyano sa Antioquia.

– GAWA 11:26

Kaya ang pagiging Cristiano ay nangangahulugang pagsunod sa mga utos at aral ni Cristo at hindi basta paniniwala lamang kay Cristo”.

31Sinabi nga ni Jesus sa mga Judio na sumampalataya sa kaniya: Kapag mananatili kayo sa aking salita, totoong kayo ay aking mga alagad. 32Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

JUAN 8:31-32

9Sa sinumang sumasalangsang at hindi nananatili sa aral ni Cristo ay wala sa kaniya ang Diyos. Siya na nananatili sa aral ni Cristo, ang Ama at ang Anak ay nasa kaniya.

– 2 JUAN 1:9

Ito ang utos ni Cristo:

19Humayo nga kayo. Gawin ninyong ALAGAD ang lahat ng mga bansa, inyong BAUTISMUHAN sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. 20TURUAN ninyo sila na ganapin ang lahat ng mga bagay na aking inutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito. Siya nawa!

– MATEO 28:19-23

34Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo MAG-IBIGAN sa isa’t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa’t isa. 35Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa’t isa.

– JUAN 13:34-35

Ito ang mensahe ni Jesus:

Si Jesus ay sumigaw at nagsabi: Ang sumasampalataya sa akin ay hindi sa akin sumasampalataya kundi sa kaniya na nagsugo sa akin. Ang nakakita sa akin ay nakakita sa kaniya na nagsugo sa akin. Ako ay narito bilang liwanag sa sanlibutan upang ang lahat ng sumasampalataya sa akin ay hindi manatili sa kadiliman.

–JUAN 12:44-46

21Hindi ang bawat isa na nagsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, ay makakapasok sa paghahari ng langit, kundi ang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. 22Sa araw na iyon ay marami ang magsasabi sa akin: Panginoon, Panginoon, hindi ba sa iyong pangalan ay naghayag kami ng salita katulad ng mga propeta, at sa iyong pangalan ay nagpalayas kami ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa kami ng maraming himala? 23Pagkatapos nito ay ipahahayag ko sa kanila: .Hindi ko kayo nakikilala. Lumayo kayo sa akin, kayong hindi kumikilala sa kautusan ng Diyos

– MATEO 7:21-23

47Kung ang sinuman ay nakikinig ng aking mga salita at hindi sumasampalataya, hindi ko siya hinahatulan. Ito ay sapagkat hindi ako narito upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ang sangkatauhan. 48May isang hahatol sa tumatanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita. Ang salita na aking sinalita ay siyang hahatol sa kaniya sa huling araw. 49Ito ay sapagkat hindi ako nagsasalita mula sa sarili ko. Ang Ama na nagsugo sa akin ang nag-utos kung ano ang dapat kong sabihin at bigkasin. 50Alam ko, na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan. Ito nga ang sinasabi ko. Kung papaanong sinasabi sa akin ng Ama, sa gayunding paraan nagsasalita ako.

-JUAN 12:47-50

TAYO AY NASA HULING ARAW NA… PANAHON

NA UPANG ATING UNAWAIN AT TANGGAPIN

ANG KATOTOHANAN NG SALITA NG DIYOS

UPANG TAYO AY HINDI MAHATULAN…

 

Ikaw ba ay Cristiano? Mahal mo bang talaga si Hesus?

Kung gayon, manatili ka sa kanyang aral at

sundin ang kanyang mga utos. Lahat ng mga

aral ni Cristo ay matatagpuan sa Aklat ng

Bagong Tipan. Ito ang nararapat na pag-aralan

at isapamuhay ng bawat Cristiano.

“9Kung papaanong inibig ako ng Ama ay gayon ko rin kayo inibig. Manatili kayo sa aking pag-ibig. 10Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Tulad ko, tinupad ko ang mga utos ng aking Ama at nanatili sa kaniyang pag-ibig. 11Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo upang ang aking kagalakan ay manatili sa inyo. Gayundin naman, ang inyong kagalakan ay malubos. 12Ito ang aking utos: Kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa gaya ng pag-ibig ko sa inyo.”

-JUAN 15:9-11

ANG BAGONG TIPAN-TIPAN NI CRISTO

ANG BAGONG TIPAN

Ang Tipan ni Cristo

( Tipan Kung Saan Napapailalim ang Bawat Cristiano )

Ang Bibliya ay binubuo ng 2 bahagi – ang Aklat ng Lumang Tipan at Aklat ng Bagong Tipan. Marami tayong matututuhan sa Aklat ng Lumang Tipan- ito ay nagsisilbing patnubay at nakapagbibigay kalakasan ang mga nasusulat sa aklat ng Awit at karunungan naman ang matatamo sa mga Kawikaan. Ang mga kasaysayan ng mga lingkod ng Diyos sa kapanahunang iyon, ang kanilang mga katagumpayan at maging ang kanilang mga pag-kakamali ay magbibigay ng aral sa bawat bumabasa nito. Mahalaga ang Aklat ng Lumang Tipan dahil kung hindi ito naging bahagi ng bibliya ay hindi natin maikukumpara ang pagkakaiba ng Unang Tipan na ginawa ng Diyos sa mga Israelita sa pamamagitan ni Moises at Bagong Tipan para sa lahat ng sasampalataya sa pamamagitan ni Cristo. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa Aklat ng Lumang Tipan ay makikita natin ang kahigitan ng Bagong Tipan gaya ng nasasabi sa:

2 CORINTO 3

1Magsisimula ba kaming papurihan muli ang aming mga sarili? Kailangan ba, tulad ng iba, ang sulat ng pagkilala para sa inyo, o ang sulat ng pagkilala mula sa inyo? 2Kayo ang aming sulat na iniukit sa aming mga puso na nalalaman at nababasa ng lahat ng mga tao. 3Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.

4Mayroon kaming ganitong pagtitiwala sa pamamagitan ni Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi namin inaangkin na kaya naming gawin ang anumang bagay sa aming sarili. Wala kaming kakayahan sa aming sarili, subalit ang aming kakayahan ay sa Diyos. 6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Ang Kaluwalhatian ng Bagong Tipan

7Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas. 8Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu? 9Ito ay sapagkat kung ang paglilingkod ng kahatulan ay maluwalhati, lalong higit ang kaluwalhatian ng paglilingkod ng katuwiran. 10Ito ay sapagkat kahit na ang ginawang maluwalhati ay hindi naging maluwalhati sa ganitong paraan dahil sa nakakahigit na kaluwalhatian. 11Ito ay sapagkat kung ang lumipas ay may kaluwalhatian, lalo ngang higit ang kaluwalhatian niya na nananatili.


12Sa pagkakaroon nga ng pag-asang ito, lalong malakas ang aming loob. 13At hindi kami katulad ni Moises na naglagay ng lambong sa kaniyang mukha upang hindi matitigan ng mga anak ni Israel ang katapusan noong lumilipas. 14Ang kanilang mga pag-iisip ay binulag dahil hanggang sa ngayon nanatili pa rin na ang lambong na iyon ay hindi inaalis sa pagbasa ng lumang tipan. Iyon ay lumipas na kay Cristo. 15Hanggang sa ngayon kapag binabasa ang aklat ni Moises, may lambong sa kanilang mga puso. 16Kapag ito ay bumalik sa Panginoon, ang lambong ay aalisin. 17Ang Panginoon ay Espiritu at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, naroroon ang kalayaan. 18Ngunit makikita nating lahat, ng walang takip sa mukha, ang kaluwalhatian ng Panginoon. Tulad sa isang salamin, makikita nating lahat na tayo ay matutulad sa gayong anyo mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Ito ay tulad ng nagmula sa Panginoon na siyang Espiritu.

Ito ang tinutukoy sa:

At tungkol sa akin, ito ang aking

tipan sa kanila, sabi ng Panginoon:

ang aking Espiritu na nasa iyo, at

ang aking mga salita na inilagay ko

sa iyong bibig, hindi hihiwalay sa

iyong bibig, o sa bibig man ng iyong

lahi, o sa bibig man ng angkan ng

iyong lahi, sabi ng Panginoon,

mula ngayon at magpakailan pa

man.

-ISAIAH 59:21

ANG UNANG TIPAN

1. Ang tagapamagitan ay tao – si Moises .

At si Moises ay lumapit sa Dios, at tinawag ng Panginoon siya mula sa bundok, na sinasabi, Ganito mo sasabihin sa sangbahayan ni Jacob, at sasaysayin sa mga anak ni Israel. Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo’y inilapit ko sa akin din. Kaya’t ngayon, kung tunay na inyong susundin ang aking tinig, at iingatan ang aking tipan, ay magiging isang tanging kayamanan nga kayo sa akin, na higit sa lahat ng bayan: sapagka’t ang buong lupa ay akin; At kayo’y magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin, at isang banal na bansa. Ito ang mga salita na inyong sasalitaan sa mga anak ni Israel.

– EXODO 19:3-6

2. Pinagtibay ng dugo ng hayop .

18Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo. 19Sapagkat nangusap si Moises sa bawat tuntunin ng kautusan sa lahat ng taong naroroon. Pagkatapos nito ay dinala niya ang dugo ng mga guya at kambing na may kahalong tubig, pulang lana at sanga ng isopo at winisikan niya ang aklat ng kautusan at ang lahat ng taong naroroon.

– HEBREO 9:18-19

3. Nasusulat sa tapyas na bato.

Ang mga salitang ito ay sinalita ng Panginoon sa buong kapisanan ninyo sa bundok mula sa gitna ng apoy, sa ulap, at sa salisalimuot na kadiliman, ng malakas na tinig: at hindi na niya dinagdagan pa. At kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato, at ibinigay sa akin.

-DEUTERONOMIO 5:22

4. Nababatay sa Kautusang nakatitik na nagdudulot ng kamatayan.

6Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu DAHIL ANG KASULATAN NG KAUTUSAN AY PUMAPATAY, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

– 2 CORINTO 3:6

5. Hindi nakasalalay sa pananampalataya.

12NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI SA PANANAMPALATAYA. Subalit
ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay
mabubuhay sa pamamagitan nito.

-GALACIA 3:12

6. Nauukol sa pagkain at inumin, mgapaglilinis at alituntunin ng tao.

10Ang mga ito ay binubuo ng pagkain at inumin at mga natatanging paraan ng paglubog at mga ALITUNTUNIN NG TAO. Iniutos ito ng Diyos hanggang sa panahon na babaguhin niya ang mga bagay.

–HEBREO 9:10

7. Hindi napagiging matuwid ang tao.

Ngunit maliwanag na walang sinumang pinapaging-matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat
ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya.

-GALACIA 3:11

8. Mahina at walang- bisa

18Sapagkat ang dating kautusan ay isina isangtabi dahil ito ay mahina at walang kabuluhan. 19Sapagkat walang napapaging-ganap ang kautusan. Sa kabilang dako, mayroong pagpapakilala ng lalong mabuting pag-asa, na sa pamamagitan nito, tayo ay lumalapit sa Diyos.

– HEBREO 7:18-19

9. Lumipas at pinawalang-bisa.

12Sapagkat nang baguhin ng Diyos ang pagkasaserdote, kinakailangang baguhin din niya ang kautusan.

7Sapagkat kung ang unang tipan ay walang kakulangan, hindi na sana naghahanap pa ng lugar para sa ikalawang tipan.

13Nang sabihin niya: Isang bagong tipan, pinaging luma niya ang unang tipan. Ito ngayon ay tumatanda na at malapit nang mawala.

– HEBREO 7:12, 8:7, 8:13

Sinabi ng Diyos ang tungkol sa tipang ito sa Aklat ng Lumang Tipan na inihayag  ni Propeta Jeremias.

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako’y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako’y magiging kanilang Dios, at sila’y magiging aking bayan; At hindi na magtuturo bawa’t isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa’t tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka’t makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka’t aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

– JEREMIAS 31:31-34

ANG BAGONG TIPAN

1. Ang tagapamagitan ay anak ng Diyos– si Jesu-cristo.

Sapagkat ang kautusan ay nagtatalaga ng mga pinunong-saserdote na mga taong may kahinaan. Ngunit ang salita ng panunumpa na dumating pagkatapos ng kautusan ay nagtalaga sa anak na pinaging-ganap magpakailanman.

15Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.

– HEBREO 7:28, 9:15

2. Pinagtibay ng dugo ni Cristo.

12Pumasok siya, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo. At nang maganap na niya ang walang hanggang katubusan, pumasok siya sa kabanal-banalang dako nang minsan lamang at magpakailanman.

– HEBREO 9:12

3. Nasusulat sa puso ng tao.

3Nahahayag kayo na mga sulat ni Cristo na pinaglingkuran namin. Hindi kayo isinulat sa pamamagitan ng tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng buhay na Diyos. Hindi kayo iniukit sa mga tipak ng bato kundi sa mga tipak ng pusong laman.

– 2 CORINTO 3:3

4. Nababatay sa Espiritu na nagbibigay-buhay.

Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

-2 CORINTO 3:6

. Nakasalalay sa pananampalataya.

35Kaya nga, huwag ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36Sapagkat kailangan ninyo ang pagtitiis upang pagkatapos maisagawa ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang kaniyang pangako. 37Sapagkat sa napaikling panahon na lamang:
Siya na paparito ay darating na at hindi siya
magtatagal. 38Ngunit ang matuwid ay mabubuhay
sa pamamagitan ng pananampalataya
. At kung
siya ay tumalikod, hindi malulugod ang aking
kaluluwa sa kaniya.

39Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumalikod patungo sa pagkawasak. Sa halip tayo ay kabilang sa mga sumasampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

-HEBREO 10:35-39

6. Nauukol sa pagbabago ng puso at kalooban.

29Ang tunay na Judio ay ang Judio sa kalooban at ang tunay na nasa pagtutuli ay sa puso, sa espiritu at hindi ayon sa titik ng kautusan. Ang papuri sa kaniya ay hindi mula sa tao kundi mula sa Diyos.

-ROMA 2:29

7. Napagiging-matuwid ang tao.

14Sapagkat sa pamamagitan ng paghahandog ng isang hain, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga pinapaging-banal.

– HEBREO 10:14

6Sa ganito ring paraan, si Abraham
ay sumampalataya sa Diyos at iyon ay ibinilang
sa kaniya na katuwiran.

– GALACIA 3:6

8. Makapangyarihan at mabisa.

2Sa pamamagitan nito, si Jesus ang naging katiyakan ng isang lalong higit na mabuting tipan.

4Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.

15Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.

– HEBREO 7:22, 9:14-15

9. Mananatili kailanman, walang-hanggang tipan.

23Sa isang dako, dahil pinigilan sila ng kamatayan upang magpatuloy, kinakailangan ang maraming saserdote. 24Sa kabilang dako naman, dahil si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, siya ay may pagkasaserdoteng mananatili magpakailanman. 25Kaya nga, ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya ay maililigtas niya nang lubusan, yamang siya ay nabubuhay magpakailanman upang siya ay mamagitan sa kanila.

-HEBREO 7:23-25

Bukod dito’y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking santuario sa gitna nila magpakailan man.

– EZEKIEL 37:26

 

Sa mga aklat naman na isinulat ng mga propeta ay mababasa natin ang kanilang mga pahayag tungkol kay Jesu-Cristo na makikita natin na nagkaroon ng kaganapang lahat ng sa Aklat ng Bagong Tipan, gayundin ang mga hula tungkol sa mga magaganap sa huling panahon. Kung gayon, ang Aklat ng Lumang Tipan ang nagpapatibay sa katotohanan ng mga pangyayari sa Bagong Tipan. Ngunit maliwanag na ang mga utos at mga tuntunin sa Aklat ng Lumang Tipan na isinulat ni Moises na tinatawag ding Kautusan ay nawalan na ng bisa simula ng mapagtibay ang Bagong Tipan.

Kung gayon, inalis ang unang

tuntunin dahil sa ito’y mahina at

walang bisa. Sapagkat walang

napaging-ganap ang Kautusan;

ngunit higit na mabuti ang bagong

pag-asang tinanggap natin — sa

pamamagitan nito’y nakalalapit na

tayo sa Diyos.”

– HEBREO 7:18-19

Pinawalang-bisa ni Cristo ang Kautusang pawang mga utos at tuntunin upang pag-isahin ang mga Judio at mga Hentil.

5Sa pamamagitan ng kaniyang katawan, pinawalang-bisa niya ang pag-aalitan, ANG BATAS NG KAUTUSAN na nasa mga utos. Ginawa niya ito upang magawa niya sa kaniyang sarili na ang dalawa ay maging isang bagong tao, sa gayon siya ay gumawa ng kapayapaan.

– EFESO 2:15

 

Sapagkat ang pagpapawalang-sala ng Diyos sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa ayon sa Kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng Kautusan. ”

– ROMA 3:20

” Bagama’t kami’y ipinanganak na Judio at hindi makasalanang Hentil, alam naming na ang tao ay pinawawalang-sala dahil sa pananalig kay Jesu-Cristo at hindi sa mga gawa ayon sa Kautusan. Nananalig din kami kay Jesu-Cristo upang pawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan. Sapagkat ang tao ay hindi mapapawalang – sala sa pamamagitan ng pagtalima sa Kautusan.”

– GALACIA 2:15 – 16

” Ngunit nang dumating ang

takdang panahon, sinugo ng

Diyos ang kanyang Anak.

Isinilang siya ng isang babae at

namuhay sa ilalim ng Kautusan

upang palayain ang mga nasa

ilalim ng Kautusan. Sa gayon,

tayo’y mabibilang na mga anak

ng Diyos.”

– GALACIA 4:4 – 5

 

Ito ang dahilan ng pagkakatawang-tao ni Cristo, upang ganapin ang mga nasusulat tungkol sa kanya sa Aklat ng Kautusan nang sa gayon ay matubos niya ang sangkatauhan sa sumpa nito. (Mateo 7:38-39)

Ang Kautusan ay naging sumpa sa mga tao dahil walang nakaabot sa pamantayan ng Diyos ayon sa Deuteronomio 4:1-2:

“ Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo ng matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ni Yahweh, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo. HUWAG NINYO ITONG DARAGDAGAN NI BABAWASAN. Sundin ninyo ito ng WALANG LABIS AT WALANG KULANG.”

Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag, kung gayon, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapagkat” Ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” NGUNIT ANG KAUTUSAN AY HINDI NASASALALAY SA PANANALIG SA DIYOS , sapagkat sinasabi ng Kasulatan,” Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”

– GALACIA 3:10-12

Ang nais ng Diyos ay sunding lahat ang nasusulat sa Aklat ng Kautusan ngunit walang sinumang nakatupad sa lahat ng nasusulat dito sapagkat ang lahat ay nagkasala – walang sinumang naging marapat sa paningin ng Diyos (Roma 3:23) sapagkat ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat. (Santiago 2:10)

Ang  Kautusan ni Moises na siyang titik ng Unang Tipan ay Kautusan ng  Gawa samantalang ang Tipan ni Cristo ay Kautusan ng Pananampalataya. Kaya sinasabi na ito ang katuwirang hindi galing sa pagsisikap ng tao kundi sa kapamaraanan ng Diyos sa bawat sumasampalataya.

Mayroon kaming ganitong

pagtitiwala sa pamamagitan ni

Cristo patungkol sa Diyos. 5Hindi

namin inaangkin na kaya naming

gawin ang anumang bagay sa aming

sarili. Wala kaming kakayahan sa

aming sarili, subalit ang aming

kakayahan ay sa Diyos. 6

– 2 CORINTO 3:4-5

Roma 3:9-18

Walang Isa mang Tao na Matuwid9Ano ngayon? Kami ba ay nakakahigit? Hindi! Ito ay sapagkat napatunayan na namin noong una pa man, na kapwa ang mga Judio at mga Griyego ay nasa ilalim ng kasalanan. 10Ito ay ayon sa nasusulat: Walang sinumang matuwid, wala kahit isa. 11Walang sinumang nakakaunawa, walang sinu-mang humahanap sa Diyos. 12Ang lahat ay lumihis ng daan, sama-sama silang naging walang pakinabang. Walang sinumang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa. 13Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan. Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya. Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila. 14Ang mga bibig nila ay puno ng pagsumpa at mapait na mananalita. 15Ang mga paa nila ay mabilis sa pagbuhos ng dugo. 16Pagkawasak at paghihirap ang nasa kanilang mga landas. 7Hindi nila alam ang landas ng kapayapaan. 18Ang pagkatakot sa Diyos ay wala sa kanila.

Ito ANG BUNGA ng pagsuway ni Adan na naging sanhi ng paglaganap ng kasalanan sa sangkatauhan na nagdulot ng kamatayan.

12Sa kadahilanang ito, sa pamamagitan ng isang tao, pumasok ang kasalanan sa sanlibutan. Dahil sa kasalanan nagkaroon ng kamatayan at ang kamatayan ay dumating sa lahat ng tao sapagkat nagkasala ang lahat. 13Ito ay sapagkat ang kasalanan ay nasa sanlibutan na bago pa ibinigay ang kautusan. Ngunit nang wala pa ang kautusan ang kasalanan ay hindi ibinibilang. 14Subalit ang kamatayan ay naghari mula kay Adan hanggang kay Moises. Ito ay naghari maging sa kanila na ang kasalanan ay hindi tulad ng pagsalangsang ni Adan na siyang larawan ng paparating na.

-ROMA 3:12-14

Ngunit dahil sa napakadakilang pag-ibig niyasa atin, siya na rin mismo ang gumawa ng paraan upang tayo’y matubos.

Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya’y magdusa na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan,” Sinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.” Tinubos niya tayo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay kamtan ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus, at sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay sumaatin ang Espiritung ipinangako ng Diyos. “

– GALACIA 3:13-14

1Ngayon nga ay wala nang kahatulan sa kanila na na kay Cristo Jesus. Sila ang mga lumalakad na hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu. 2Ito ay sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na nasa kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa akin mula sa kautusan ng kasalanan at kamatayan. 3Ito ay sapagkat ang kautusan ay mahina sa pamamagitan ng makalamang kalikasan, kaya ito ay walang kapangyarihan. Isinugo ng Diyos ang sarili niyang anak na nasa anyo ng taong makasalanan upang maging hain para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, sa laman ay hinatulan na niya ang kasalanan. 4Upang matupad ang matuwid na hinihiling ng kautusan sa atin na mga lumalakad nang hindi ayon sa makalamang kalikasan kundi ayon sa Espiritu.

– ROMA 8:1-4

Ito ay sa pamamagitan ng kanyang pagkakaloob sa kanyang bugtong na anak na si Hesus na nag-alay ng kanyang dugo sa ikapag-papatibay ng Bagong Tipan na nagsimulang magkabisa nang maganap ang kamatayan ni Cristo…

16Sapagkat kung saan naroon ang isang tipan, kinakailangan ang gumawa ng tipan ay mamatay. 17Sapagkat pagkamatay ng isang tao, ang isang tipan ay magiging mabisa. Habang ang taong gumawa nito ay nabubuhay pa, wala itong bisa. 18Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo.

-HEBREO 9:16-18

At sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay mapagiging-matuwid ang mga tao, mapag-haharian ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanyang Espiritu, kaya naman ang bawat mananampalataya ay hindi na maaalipin pa ng kasalanan, laging makaka-asa sa habag at kapatawaran mula sa Diyos, magkakaroon ng kakayahang gumawa ng mabuti at matuwid sa pamamagitan ng patnubay at kalakasang nagmumula sa Salita ng Diyos na buhay at makapangyarihan at higit sa lahat ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.

1

Kaya nga, yamang tayo ay pinaging-

matuwid sa pamamagitan ng

pananampalataya, mayroon tayong

kapayapaan sa Diyos sa

pamamagitan ng ating Panginoong

Jesucristo. 2Sa pamamagitan din

niya tayo ay nagkaroon ng daan

patungo sa biyaya sa pamamagitan

ng pananampalataya. Sa biyayang

ito tayo ay naninindigan at

nagmamalaki sa pag-asa ng

kaluwalhatian ng Diyos. 3Hindi

lang ito, kundi sa paghihirap ay

nagmamalaki rin tayo dahil alam

nating ang paghihirap ay

nagbubunga ng pagtitiis. 4Ang

pagtitiis ay nagbubunga ng

magandang ugali at ang magandang

ugali ay nagbubunga ng pag-asa. 5

Hindi tayo pinapahiya ng pag-asa

sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay

ibinuhos sa ating mga puso sa

pamamagitan ng Banal na Espiritu

na ipinagkaloob sa atin.

9Higit pa riyan, tayo ngayon ay

pinaging-matuwid sa pamamagitan

ng kaniyang dugo. Kaya nga, tayo

ay maliligtas sa poot sa

pamamagitan niya. 10Ito ay

sapagkat nang tayo ay kaaway ng

Diyos, ipinagkasundo tayo sa

kaniya sa pamamagitan ng

kamatayan ng kaniyang anak. Higit

pa riyan, ngayong tayo ay

ipinagkasundo, tayo ay maliligtas

sa pamamagitan ng buhay ng

kaniyang anak. 11Hindi lang gayon,

kundi tayo ay nagagalak sa Diyos sa

pamamagitan ng ating Panginoong

Jesucristo na sa pamamagitan niya,

tayo ay nagtamo ng

pakikipagkasundo.

ROMA 5:1-12